Monday, February 1, 2010

Happy with the date!

Masayang nakuha na sa wakas ang araw! May 8! Masasabi kong makakapag isip isip na mabuti ng mga bagay na dapat paghandaan, mga plano na nais matupad para sa espesyal na araw! :D

1b43

1b43. Mali. Hindi po ito isang html color code para sa webpage. Isang araw bago ang tatlong taon - opo, magta-tatlong taon na kami! :D 1b43 dahil mahalaga ang araw na ito.. sa araw na ito malalaman na ang takdang araw, ang pinakahihintay kong unang matupad sa buhay namin - ang araw ng aming kasal.

Simula pa lang ulit ng aking pagbabalik sa blog na ito.. at babalik at babalik at babalik ako muli. Bagong simula para sa mga bagong yugto sa aming buhay..

Monday, November 2, 2009

Sunday, August 2, 2009

Monthsary

Simula sa araw na ito, higit ko pang hinihiling na:
lalo pa tumatag, tumibay at tumagal..

tumatag sa lahat ng mga pinagdadaanan maganda man o pangit..
tumibay ang tiwala, respeto ng bawat isa..
tumagal pa ang pagsasama dahil sa patuloy na pagtanggap at pagmamahalan sa lahat ng nararanasan masarap man o mahirap..

Maging maligaya pa rin sa araw na ito.

Thursday, July 23, 2009

Saturday, January 5, 2008

Napakatagal nang panahon na nagkaroon ako ng pagkakataon o pagkukusa upang makapagsulat muli dito. Marami nang mga pangyayari ang nagdaan at kasalukuyan pang pinagdadaanan. Masaya, malungkot, masarap, masakit, nandun na lahat. Madami na din ako nakakalimutan at mga bagay na hindi na nagagawa pa, sa sarili ko, sa'yo at sa mga tao sa paligid. Sa kabila nuon, may mga ugali pa rin ako na hindi nakakalimutan simula pa sa pagkabata. Simula pa nuon, hindi ko gusto ang pakitang-tao o kaplastikan ika nga, hindi ko gusto un at lalong hindi ko gusto gawin. Sa tinagal tagal, at kahit nung una pa, alam ko din na hindi ko nakita o naramdaman sa 'yo un, alam ko na totoo ka at napapakita mo anuman ung nararamdaman mo.

Nais ko lang sabihin, inaamin ko na talaga hindi ko natatanggap hanggang ngaun ang masabihan ng plastik. Kung ako man ay hindi tumatanggi o tumututol, may mga dahilan sa halos lahat ng pagkakataon. Una na ang ayoko ko maging masama sa paningin dahil lng sa pagtanggi ko. Madalas inaakalang suplado ako kapag ako ang tumatanggi. Pangalawa, isinasaalang-alang ko din sa pagkakataon, na kahit ako pa 'yung magkaproblema sa huli ay sumisige pa rin ako mapagbigayan ko lang ang isang tanong o hiling o utos, parang sino ba ako para tumanggi. Pangatlo, pakikisama, na parang katulad din sa pangalawang dahilan pero sa pakikisama, ginagwa ko yun para kahit papaano ay mapabuti rin ang pakikitungo kaninoman. Syempre, ung mga dahilan ko sa pagtanggap ko o pag oo sa mga bagay bagay ay hindi ko naman palagi ginagamit o ginagawa lalo na sa pang ating relasyon lamang.

Alam ko marami na ako pagkukulang sa lahat ng aspeto lalo na pagdating sa atin. Habang tumatagal, maraming kulay na ng buhay ang nadaanan at ksalukuyang tinatahak pa, pero sa dulo, anu pa man ung kulay na yun wala ako balak na burahin o alisin bagkus sana'y mapunan ko pa para maging tunay na makulay para sa ikagaganda ng lahat.

Maraming pagbabago man, maging parang lagay man ng panahon ang timpla at pakiramdam ko, isa lang naman ang kinakatapusan ko. Bumabalik.. bumabalik.. gaya ng pagsusulat ko dito muli.

Saturday, January 5, 2008

A friendster comment just today

"She's simply everything to me.. my strength that keeps me moving from being weak.. she moves me.. making me a better stronger person.. she's my inspiration.. she's behind everything that made me proud of.. she's my only love.. my life.."

I love you.. khit ganu p kabigat dumaan sa tin, sa mga napagdadaanan natin. I know we can always get through.. I love you, more than anything.. hayyz.. cencia sa mga pagkakataon na sobrang kulit ako(huh? palagi nga pala ko makulet)..

Brand new year, same old wishes.. bind us together, all our life.. ooops.. yan ung una, ciempre dami pa kasunod n wish wish yan..